Mga Awit 27:4-6
Mga Awit 27:4-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; Na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, Upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, At magusisa sa kaniyang templo. Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. At ngayo'y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Mga Awit 27:4-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay. Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan.
Mga Awit 27:4-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Isang bagay ang hinihiling ko sa PANGINOON, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay. Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar. Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko na nakapaligid sa akin. Maghahandog ako sa templo ng PANGINOON habang sumisigaw sa kagalakan, umaawit at nagpupuri.
Mga Awit 27:4-6 Ang Biblia (TLAB)
Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo. Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. At ngayo'y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; at ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Mga Awit 27:4-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)