Mga Awit 27:4
Mga Awit 27:4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Isang bagay ang hinihiling ko sa PANGINOON, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay.
Mga Awit 27:4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
Mga Awit 27:4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
Mga Awit 27:4 Ang Biblia (TLAB)
Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo.