Mga Awit 27:3-4
Mga Awit 27:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Dios. Isang bagay ang hinihiling ko sa PANGINOON, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay.
Mga Awit 27:3-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, Hindi matatakot ang aking puso: Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, Gayon ma'y titiwala rin ako. Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; Na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, Upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, At magusisa sa kaniyang templo.
Mga Awit 27:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal. Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
Mga Awit 27:3-4 Ang Biblia (TLAB)
Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako. Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo.
Mga Awit 27:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)