Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 27:1-14

Mga Awit 27:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan? Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara. Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal. Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay. Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan. Pakinggan mo ako Yahweh, sa aking panawagan, sagutin mo ako at iyong kahabagan. Nang sabihin mo Yahweh, “Lumapit ka sa akin,” sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.” Huwag ka sanang magagalit sa akin; ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin. Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan, huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan! Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga. Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kagustuhan, sa ligtas na landas ako'y iyong samahan, pagkat naglipana ang aking mga kaaway. Sa mga kaaway ay huwag akong ipaubaya, na kung lumulusob ay mga pagbabanta at kasinungalingan ang dalang sandata. Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan. Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!

Mga Awit 27:1-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

Ang PANGINOON ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan. Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga kaaway upang patayin, sila ang nabubuwal at natatalo! Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Dios. Isang bagay ang hinihiling ko sa PANGINOON, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay. Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar. Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko na nakapaligid sa akin. Maghahandog ako sa templo ng PANGINOON habang sumisigaw sa kagalakan, umaawit at nagpupuri. Dinggin nʼyo PANGINOON ang aking pagtawag. Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin. PANGINOON, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo. Huwag nʼyo po akong pagtaguan! Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil dahil sa inyong galit. Kayo na laging tumutulong sa akin, huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan, O Dios na aking Tagapagligtas. Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, PANGINOON, ang mag-aalaga sa akin. Ituro nʼyo sa akin ang daang gusto nʼyong lakaran ko. Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan, dahil sa mga kaaway ko na gusto akong gawan ng masama. Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway, dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan ng kasinungalingan, at nais nilang akoʼy saktan. Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, PANGINOON, habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo. Magtiwala kayo sa PANGINOON! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa PANGINOON!

Mga Awit 27:1-14 Ang Biblia (TLAB)

Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako. Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo. Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. At ngayo'y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; at ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon. Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako. Nang iyong sabihin, hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko. Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: ikaw ay naging aking saklolo; huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan. Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon: at patnubayan mo ako sa patag na landas, dahil sa aking mga kaaway. Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: sapagka't mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, at ang nagsisihinga ng kabagsikan. Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon. Sa lupain ng may buhay. Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon.

Mga Awit 27:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan? Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara. Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal. Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay. Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan. Pakinggan mo ako Yahweh, sa aking panawagan, sagutin mo ako at iyong kahabagan. Nang sabihin mo Yahweh, “Lumapit ka sa akin,” sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.” Huwag ka sanang magagalit sa akin; ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin. Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan, huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan! Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga. Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kagustuhan, sa ligtas na landas ako'y iyong samahan, pagkat naglipana ang aking mga kaaway. Sa mga kaaway ay huwag akong ipaubaya, na kung lumulusob ay mga pagbabanta at kasinungalingan ang dalang sandata. Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan. Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!

Mga Awit 27:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, Hindi matatakot ang aking puso: Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, Gayon ma'y titiwala rin ako. Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; Na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, Upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, At magusisa sa kaniyang templo. Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. At ngayo'y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon. Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako. Nang iyong sabihin, Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko. Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: Ikaw ay naging aking saklolo; Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan. Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon: At patnubayan mo ako sa patag na landas, Dahil sa aking mga kaaway. Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: Sapagka't mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, At ang nagsisihinga ng kabagsikan. Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon. Sa lupain ng may buhay. Magantay ka sa Panginoon: Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon.

Mga Awit 27:1-14

Mga Awit 27:1-14 RTPV05Mga Awit 27:1-14 RTPV05