Mga Awit 25:12-14
Mga Awit 25:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran. Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa. Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.
Mga Awit 25:12-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang sinumang may takot sa inyo, PANGINOON, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran. Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios. PANGINOON, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan.
Mga Awit 25:12-14 Ang Biblia (TLAB)
Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
Mga Awit 25:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran. Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa. Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.
Mga Awit 25:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.