Mga Awit 25:1-22
Mga Awit 25:1-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa iyo, Yahweh, dalangin ko'y ipinapaabot; sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos. Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan, at pagtawanan ako ng aking mga kaaway! Mga may tiwala sa iyo'y huwag malagay sa kahihiyan, at ang mga taksil sa iyo'y magdanas ng kasawian. Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban, at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam. Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan. Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas, na ipinakita mo na noong panahong lumipas. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan; ayon sa pag-ibig mong walang katapusan, ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan! Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan. Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay, sa kanyang kalooban kanyang inaakay. Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay, sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay. Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin. Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran. Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa. Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan. Si Yahweh lang ang laging inaasahan, na magliligtas sa akin sa kapahamakan. Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan, pagkat nangungulila at nanlulupaypay. Pagaanin mo ang aking mga pasanin, mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain. Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin, at lahat ng sala ko ay iyong patawarin. Tingnan mo't napakarami ng aking kaaway, at labis nila akong kinamumuhian! Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay, huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan, pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay. Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan, sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan. Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel, sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!
Mga Awit 25:1-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo. Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan, ngunit mapapahiya ang mga traydor. Ituro nʼyo sa akin, PANGINOON, ang tamang pamamaraan, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran. Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan. PANGINOON, alalahanin nʼyo ang kagandahang-loob at pag-ibig, na inyong ipinakita mula pa noong una. PANGINOON, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, alalahanin nʼyo ako, pero huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata. Mabuti at matuwid po kayo, PANGINOON, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan. Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan. Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan. PANGINOON, alang-alang sa inyong kabutihan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan. Ang sinumang may takot sa inyo, PANGINOON, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran. Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios. PANGINOON, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan. Palagi akong umaasa sa inyo, PANGINOON, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan. Dinggin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap. Lalong dumarami ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo ako sa aking mga kalungkutan. Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan, at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan. Tingnan nʼyo kung gaano karami ang aking mga kaaway na galit na galit sa akin. Iligtas nʼyo ako, Panginoon! At ingatan ang aking buhay! Nanganganlong ako sa inyo; huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako. Dahil namumuhay ako nang matuwid at walang kapintasan, at umaasa sa inyo, nawaʼy maging ligtas ako. O Dios, iligtas nʼyo po ang Israel sa lahat ng kaguluhan.
Mga Awit 25:1-22 Ang Biblia (TLAB)
Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya. Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo. Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki. Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan. Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo. Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin; sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati. Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan. Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan. Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit. Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako: huwag nawa akong mapahiya, sapagka't nanganganlong ako sa iyo. Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran, sapagka't hinihintay kita. Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.
Mga Awit 25:1-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa iyo, Yahweh, dalangin ko'y ipinapaabot; sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos. Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan, at pagtawanan ako ng aking mga kaaway! Mga may tiwala sa iyo'y huwag malagay sa kahihiyan, at ang mga taksil sa iyo'y magdanas ng kasawian. Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban, at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam. Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan. Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas, na ipinakita mo na noong panahong lumipas. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan; ayon sa pag-ibig mong walang katapusan, ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan! Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan. Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay, sa kanyang kalooban kanyang inaakay. Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay, sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay. Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin. Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran. Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa. Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan. Si Yahweh lang ang laging inaasahan, na magliligtas sa akin sa kapahamakan. Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan, pagkat nangungulila at nanlulupaypay. Pagaanin mo ang aking mga pasanin, mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain. Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin, at lahat ng sala ko ay iyong patawarin. Tingnan mo't napakarami ng aking kaaway, at labis nila akong kinamumuhian! Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay, huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan, pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay. Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan, sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan. Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel, sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!
Mga Awit 25:1-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, Huwag nawa akong mapahiya; Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; Ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; Sa iyo'y naghihintay ako buong araw. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; Sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. Mabuti at matuwid ang Panginoon: Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: At ituturo niya sa maamo ang daan niya. Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo. Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, Iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki. Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan. Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; Sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo. Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin; Sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati. Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan. Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam; At ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan. Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami; At pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit. Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako: Huwag nawa akong mapahiya, sapagka't nanganganlong ako sa iyo. Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran, Sapagka't hinihintay kita. Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.