Mga Awit 24:1-6
Mga Awit 24:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon. Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman. Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon? Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan. Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos, silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah)
Mga Awit 24:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng PANGINOON. Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat. Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng PANGINOON? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng PANGINOON, ang Dios na kanyang Tagapagligtas. Iyan ang mga taong makakalapit at sasamba sa Dios ni Jacob.
Mga Awit 24:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito. Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat, at itinatayo sa ibabaw ng mga baha. Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi sumumpa na may kabulaanan. Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan. Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya, na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)
Mga Awit 24:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon. Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman. Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon? Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan. Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos, silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah)
Mga Awit 24:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; Ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito. Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat, At itinatayo sa ibabaw ng mga baha. Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; Na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, At hindi sumumpa na may kabulaanan. Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, At ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan. Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya, Na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)