Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 22:19-31

Mga Awit 22:19-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

Ngunit kayo, PANGINOON, huwag nʼyo akong lalayuan. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan. Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso, o mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin. Ikukuwento ko sa aking mga kababayan ang lahat ng tungkol sa inyo. At sa gitna ng kanilang pagtitipon, kayo ay aking papupurihan. Kayong may takot sa PANGINOON, purihin ninyo siya! Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel, parangalan ninyo siya at matakot kayo sa kanya! Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap. Hindi niya sila tinatalikuran, sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag. PANGINOON, bigyan nʼyo ako ng kasiglahan na magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan. Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo, tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo. Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog. Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo. Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman. PANGINOON, maaalala kayo ng tao sa buong mundo, at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo, sapagkat kayo ang naghahari, at namumuno sa lahat ng bansa. Kaya magdiriwang at sasamba sa inyo ang lahat ng mayayaman sa buong mundo. Luluhod sa inyo ang lahat ng mga mortal, ang mga babalik sa alikabok. Ang susunod na salinlahi ay maglilingkod sa inyo. At tuturuan nila ang kanilang mga anak ng tungkol sa inyo, PANGINOON. Balang araw, silang hindi pa ipinapanganak ay malalaman ang mga ginawa nʼyo, at maging ang pagliligtas nʼyo sa inyong mga mamamayan.

Mga Awit 22:19-31 Ang Biblia (TLAB)

Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako. Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso. Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako. Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel. Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig. Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya. Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man. Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo. Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa. Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa. Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi, Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.

Mga Awit 22:19-31 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako. Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso. Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako. Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel. Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; Kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig. Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: Aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya. Ang maamo ay kakain at mabubusog: Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man. Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo. Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: At siya ang puno sa mga bansa. Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa. Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi, Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.