Mga Awit 21:1-13
Mga Awit 21:1-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Natutuwa ang hari, Yahweh, dahil sa bigay mong lakas, dahil sa iyong tulong siya ay nagagalak. Iyong ibinigay ang kanyang inaasam, ipinagkaloob mo ang kanyang kahilingan. (Selah) Nilapitan mo siya't lubos na binasbasan, dalisay na gintong korona, sa ulo niya'y inilagay. Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay, ng mahabang buhay, na magpakailanman. Dahil sa tulong mo, dakila ang kanyang karangalan, dangal at kadakilaan sa kanya'y iyong ibinigay. Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman, ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan. Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala, dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala. Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam. Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin. Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari. Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila. Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin. Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:1-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, sobrang galak ng hari dahil binigyan nʼyo siya ng kalakasan. Siyaʼy tuwang-tuwa dahil binigyan nʼyo siya ng tagumpay. Ibinigay nʼyo sa kanya ang kanyang hinahangad; hindi nʼyo ipinagkait ang kanyang kahilingan. Tinanggap nʼyo siya, at pinagkalooban ng masaganang pagpapala. Pinutungan nʼyo ang ulo niya ng koronang yari sa purong ginto. Hiniling niya sa inyo na dagdagan ang buhay niya, at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay. Dahil sa pagbibigay nʼyo ng tagumpay sa kanya, naging tanyag siya at makapangyarihan. Dahil nagtitiwala siya sa inyo, PANGINOON, pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang walang katapusan, at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling. At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat, Kataas-taasang Dios, hindi siya mabubuwal. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway. At kapag kayo ay dumating PANGINOON, lilipulin nʼyo sila. Dahil sa galit nʼyo, tutupukin sila na parang dayami sa naglalagablab na apoy. Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila sa buong kalupaan, upang wala nang magpatuloy ng kanilang lahing masama. Nagbabalak sila ng masama laban sa inyo, ngunit hindi sila magtatagumpay. Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na sa kanila ang inyong pana. PANGINOON, pinupuri namin kayo dahil sa inyong kalakasan. Aawit kami ng mga papuri dahil sa inyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:1-13 Ang Biblia (TLAB)
Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya! Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah) Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan: iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo. Siya'y humingi ng buhay sa iyo, iyong binigyan siya; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man. Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya. Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan. Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos. Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo. Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, at susupukin sila ng apoy. Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao. Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa. Sapagka't iyong patatalikurin sila, ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila. Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:1-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Natutuwa ang hari, Yahweh, dahil sa bigay mong lakas, dahil sa iyong tulong siya ay nagagalak. Iyong ibinigay ang kanyang inaasam, ipinagkaloob mo ang kanyang kahilingan. (Selah) Nilapitan mo siya't lubos na binasbasan, dalisay na gintong korona, sa ulo niya'y inilagay. Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay, ng mahabang buhay, na magpakailanman. Dahil sa tulong mo, dakila ang kanyang karangalan, dangal at kadakilaan sa kanya'y iyong ibinigay. Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman, ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan. Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala, dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala. Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam. Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin. Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari. Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila. Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin. Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:1-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon; At sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya! Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, At hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah) Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan: Iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo. Siya'y humingi ng buhay sa iyo, iyong binigyan siya; Pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man. Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: Karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya. Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: Iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan. Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, At sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos. Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo. Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, At susupukin sila ng apoy. Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao. Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa. Sapagka't iyong patatalikurin sila, Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila. Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.