Mga Awit 20:1-5
Mga Awit 20:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakinggan ka sana ni Yahweh kapag ika'y nagdurusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana. Mula sa Templo, ikaw sana'y kanyang tulungan, at mula sa Zion, ikaw ay kanyang alalayan. Ang handog mo nawa ay kanyang tanggapin, at pahalagahan niya ang lahat nang iyong haing susunugin. (Selah) Nawa'y ipagkaloob niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin. Sa pagtatagumpay mo kami ay magbubunyi, magpupuri sa Diyos sa aming pagdiriwang. Ibigay nawa ni Yahweh ang lahat mong kahilingan.
Mga Awit 20:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa oras ng kaguluhan, pakinggan sana ng PANGINOON ang iyong mga daing. At sanaʼy ingatan ka ng Dios ni Jacob. Sanaʼy tulungan ka niya mula sa kanyang templo roon sa Zion. Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog, pati na ang iyong mga haing sinusunog. Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan, at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay. Sa pagtatagumpay mo kami ay sisigaw sa kagalakan, at magdiriwang na nagpupuri sa ating Dios. Ibigay nawa ng PANGINOON ang lahat mong kahilingan.
Mga Awit 20:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob; Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion; Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah) Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo. Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
Mga Awit 20:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pakinggan ka sana ni Yahweh kapag ika'y nagdurusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana. Mula sa Templo, ikaw sana'y kanyang tulungan, at mula sa Zion, ikaw ay kanyang alalayan. Ang handog mo nawa ay kanyang tanggapin, at pahalagahan niya ang lahat nang iyong haing susunugin. (Selah) Nawa'y ipagkaloob niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin. Sa pagtatagumpay mo kami ay magbubunyi, magpupuri sa Diyos sa aming pagdiriwang. Ibigay nawa ni Yahweh ang lahat mong kahilingan.
Mga Awit 20:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob; Saklolohan ka mula sa santuario, At palakasin ka mula sa Sion; Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah) Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, At tuparin ang lahat ng iyong payo. Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, At sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.