Mga Awit 18:5-6
Mga Awit 18:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.
Mga Awit 18:4-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan, na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin. Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, PANGINOON kong Dios, at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko sa inyong templo.
Mga Awit 18:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.
Mga Awit 18:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.
Mga Awit 18:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: Ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, At dumaing ako sa aking Dios: Dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.