Mga Awit 18:30-40
Mga Awit 18:30-40 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa, at maaasahan ang kanyang salita! Siya ay kalasag ng mga umaasa, at ng naghahanap ng kanyang kalinga. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay; tanging Diyos lamang ang batong tanggulan. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas, sa daraanan ko'y siyang nag-iingat. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan. Sinasanay niya ako sa pakikipagdigma, upang mabanat ko ang pinakamatigas na pana. Iniingatan mo ako at inililigtas; sa iyong pagkalinga, ako ngayo'y tanyag, sa iyong pagtulong, ako'y naging matatag. Inalalayan mo sa bawat paghakbang, ang mga paa ko'y ni hindi nadulas. Mga kaaway ko'y aking hinahabol, di ako tumitigil hanggang di sila nalilipol. Di sila makabangon kapag ako'y sumalakay; sa paanan ko'y bagsak sila at talunan. Pinapalakas mo ako para sa labanan, at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway. Mga kaaway ko'y pinapaatras mo, mga napopoot sa akin ay pinupuksa ko.
Mga Awit 18:30-40 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, At nagpapasakdal sa aking lakad. Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: At inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako. Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, Na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso. Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: At inalalayan ako ng iyong kanan, At pinadakila ako ng iyong kahinahunan. Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, At ang aking mga paa ay hindi nangadulas. Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila: Hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol. Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo: Sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa. Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin. Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway, Upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin.
Mga Awit 18:30-40 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo. Kayo lang, PANGINOON, ang tunay na Dios, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar. Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana. Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin. Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako. Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan, kaya hindi ako natitisod. Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila. Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak, at hindi na makabangon sa aking paanan. Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban, kaya natalo ko ang aking mga kalaban. Dahil sa inyo, umatras ang aking mga kaaway na may galit sa akin, at silaʼy pinatay ko.
Mga Awit 18:30-40 Ang Biblia (TLAB)
Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad. Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako. Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso. Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan. Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, at ang aking mga paa ay hindi nangadulas. Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila: hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol. Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo: sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa. Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka: iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin. Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway, upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin.
Mga Awit 18:30-40 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)