Mga Awit 18:1-32
Mga Awit 18:1-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang. Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa aking mga kaaway ako'y inililigtas. Karapat-dapat purihin si Yahweh! Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik. Ang buong lupa ay nauga at nayanig, pundasyon ng mga bundok ay nanginig, sapagkat ang Diyos ay galit na galit! Lumabas ang usok sa kanyang ilong, mula sa kanyang bibig ay mga baga at apoy. Nahawi ang langit at siya'y bumabâ, makapal na ulap ang tuntungan niya. Sa isang kerubin siya ay sumakay; sa papawirin mabilis na naglakbay. Ang kadilima'y ginawa niyang takip, maitim na ulap na puno ng tubig. Gumuhit ang kidlat sa harapan niya, at mula sa ulap, bumuhos kaagad ang maraming butil ng yelo at baga. Nagpakulog si Yahweh mula sa langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Dahil sa mga palaso na kanyang itinudla, ang mga kaaway ay nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo kaya't nagsitakas. Dahil sa galit mo, O Yahweh, sa ilong mo galing ang bugso ng hangin; kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad, mga pundasyon ng lupa ay nahayag. Mula sa kalangitan, itong Panginoon, sa malalim na tubig, ako'y iniahon. Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko kayang labanan; Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan, ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang. Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan, ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan! Pinagpapala ako ni Yahweh pagkat ako'y matuwid, binabasbasan niya ako dahil kamay ko'y malinis. Mga utos ni Yahweh ay aking sinunod, hindi ko tinalikuran ang aking Diyos. Lahat ng utos niya ay aking tinupad, mga batas niya ay hindi ko nilabag. Nalalaman niyang ako'y walang kasalanan, paggawa ng masama ay aking iniwasan. Kaya naman ako'y ginagantimpalaan niya, sapagkat alam niyang ako'y totoong walang sala. Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo, at napakabuti mo sa mabubuting tao. Ikaw ay mabait sa taong matuwid, ngunit sa masama, ikaw ay malupit. Ang mapagpakumbabá ay inililigtas mo, ngunit iyong ibinabagsak ang mga palalo. Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw; inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman. Pinapalakas mo ako laban sa kaaway, upang tanggulan nito ay aking maagaw. Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa, at maaasahan ang kanyang salita! Siya ay kalasag ng mga umaasa, at ng naghahanap ng kanyang kalinga. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay; tanging Diyos lamang ang batong tanggulan. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas, sa daraanan ko'y siyang nag-iingat.
Mga Awit 18:1-32 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iniibig ko kayo PANGINOON. Kayo ang aking kalakasan. PANGINOON, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin. Karapat-dapat kayong purihin, PANGINOON, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko. Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan, na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin. Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, PANGINOON kong Dios, at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko sa inyong templo. Nagalit kayo, at lumindol, maging ang pundasyon ng mga bundok ay nayanig. Umusok din ang inyong ilong, at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga. Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba, at tumuntong sa maitim at makapal na ulap. Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin. Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman, at nagtago kayo sa maitim na ulap. Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan, at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga. Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming PANGINOON, ay dumadagundong mula sa langit. Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban at nataranta silang nagsitakas. Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito, pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad. At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig. Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan. Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, PANGINOON. Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin. Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran. Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan. Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban, at hindi ko kayo tinalikuran, PANGINOON na aking Dios. Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos. Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway. Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan, at iniiwasan ko ang kasamaan. Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan, dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay. Tapat kayo sa mga tapat sa inyo, at mabuti kayo sa mabubuting tao. Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit tuso kayo sa mga taong masama. Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba, ngunit ang nagmamataas ay inyong ibinababa. PANGINOON kong Dios, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo. Kayo lang, PANGINOON, ang tunay na Dios, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.
Mga Awit 18:1-32 Ang Biblia (TLAB)
Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog. Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway. Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig. Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa, ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos, at nauga, sapagka't siya'y napoot. Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon. Kaniya namang iniyuko ang mga langit, at ibinaba; at salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad: Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin. Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya; mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit. Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap, mga granizo at mga bagang apoy. Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit, at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig; mga granizo, at mga bagang apoy. At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila; Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila. Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig, at ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan, sa iyong pagsaway, Oh Panginoon, sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong. Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako; sinagip niya ako sa maraming tubig. Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway, At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin. Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan, nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay. Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin. Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran; ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako. Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, at hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios. Sapagka't lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko, at hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin. Ako rin nama'y sakdal sa kaniya, at ako'y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan. Kaya't ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran, ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin. Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin; sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal; Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay; at sa matigas na loob ay pakikilala kang mapagmatigas. Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan: nguni't ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa. Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan; liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo; at sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta. Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad.
Mga Awit 18:1-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang. Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa aking mga kaaway ako'y inililigtas. Karapat-dapat purihin si Yahweh! Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik. Ang buong lupa ay nauga at nayanig, pundasyon ng mga bundok ay nanginig, sapagkat ang Diyos ay galit na galit! Lumabas ang usok sa kanyang ilong, mula sa kanyang bibig ay mga baga at apoy. Nahawi ang langit at siya'y bumabâ, makapal na ulap ang tuntungan niya. Sa isang kerubin siya ay sumakay; sa papawirin mabilis na naglakbay. Ang kadilima'y ginawa niyang takip, maitim na ulap na puno ng tubig. Gumuhit ang kidlat sa harapan niya, at mula sa ulap, bumuhos kaagad ang maraming butil ng yelo at baga. Nagpakulog si Yahweh mula sa langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Dahil sa mga palaso na kanyang itinudla, ang mga kaaway ay nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo kaya't nagsitakas. Dahil sa galit mo, O Yahweh, sa ilong mo galing ang bugso ng hangin; kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad, mga pundasyon ng lupa ay nahayag. Mula sa kalangitan, itong Panginoon, sa malalim na tubig, ako'y iniahon. Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko kayang labanan; Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan, ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang. Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan, ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan! Pinagpapala ako ni Yahweh pagkat ako'y matuwid, binabasbasan niya ako dahil kamay ko'y malinis. Mga utos ni Yahweh ay aking sinunod, hindi ko tinalikuran ang aking Diyos. Lahat ng utos niya ay aking tinupad, mga batas niya ay hindi ko nilabag. Nalalaman niyang ako'y walang kasalanan, paggawa ng masama ay aking iniwasan. Kaya naman ako'y ginagantimpalaan niya, sapagkat alam niyang ako'y totoong walang sala. Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo, at napakabuti mo sa mabubuting tao. Ikaw ay mabait sa taong matuwid, ngunit sa masama, ikaw ay malupit. Ang mapagpakumbabá ay inililigtas mo, ngunit iyong ibinabagsak ang mga palalo. Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw; inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman. Pinapalakas mo ako laban sa kaaway, upang tanggulan nito ay aking maagaw. Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa, at maaasahan ang kanyang salita! Siya ay kalasag ng mga umaasa, at ng naghahanap ng kanyang kalinga. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay; tanging Diyos lamang ang batong tanggulan. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas, sa daraanan ko'y siyang nag-iingat.
Mga Awit 18:1-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; Aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog. Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: Sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway. Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, At tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: Ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, At dumaing ako sa aking Dios: Dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig. Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa, Ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos, At nauga, sapagka't siya'y napoot. Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: Mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon. Kaniya namang iniyuko ang mga langit, at ibinaba; At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad: Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin. Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya; Mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit. Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap, Mga granizo at mga bagang apoy. Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit, At pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig; Mga granizo, at mga bagang apoy. At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila; Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila. Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig, At ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan, Sa iyong pagsaway, Oh Panginoon, Sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong. Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako; Sinagip niya ako sa maraming tubig. Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway, At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin. Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan, Nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay. Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; Iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin. Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran; Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako. Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios. Sapagka't lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko, At hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin. Ako rin nama'y sakdal sa kaniya, At ako'y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan. Kaya't ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran, Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin. Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin; Sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal; Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay; At sa matigas na loob ay pakikilala kang mapagmatigas. Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan: Nguni't ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa. Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan; Liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo; At sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta. Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, At nagpapasakdal sa aking lakad.