Mga Awit 18:1-2
Mga Awit 18:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iniibig ko kayo PANGINOON. Kayo ang aking kalakasan. PANGINOON, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.
Mga Awit 18:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.
Mga Awit 18:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
Mga Awit 18:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.
Mga Awit 18:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; Aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.