Mga Awit 150:1-2
Mga Awit 150:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin ang PANGINOON! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay.
Mga Awit 150:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay! Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila.
Mga Awit 150:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
Mga Awit 150:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay! Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila.
Mga Awit 150:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.