Mga Awit 148:13-14
Mga Awit 148:13-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh!
Mga Awit 148:13-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Lahat ay magpuri sa PANGINOON, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa. Pinalalakas niya at pinararangalan ang kanyang mga tapat na mamamayan, ang Israel na kanyang pinakamamahal.
Mga Awit 148:13-14 Ang Biblia (TLAB)
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga Awit 148:13-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh!
Mga Awit 148:13-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi: Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, Ang papuri ng lahat niyang mga banal; Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon.