Mga Awit 147:7-11
Mga Awit 147:7-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin. Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay. Hindi siya nalulugod sa kabayong malalakas, kahit mga piling kawal hindi siya nagagalak. Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis, sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig.
Mga Awit 147:7-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Umawit kayo ng pasasalamat sa PANGINOON. Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Dios. Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan, at pinauulanan niya ang mundo, at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan. Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at ang mga inakay na uwak kapag dumadaing ang mga ito. Hindi siya nalulugod sa lakas ng mga kabayo o sa kagitingan ng mga kawal. Ang PANGINOON ay nalulugod sa mga may takot sa kanya at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.
Mga Awit 147:7-11 Ang Biblia (TLAB)
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios: Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao. Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
Mga Awit 147:7-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin. Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay. Hindi siya nalulugod sa kabayong malalakas, kahit mga piling kawal hindi siya nagagalak. Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis, sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig.
Mga Awit 147:7-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios: Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao. Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.