Mga Awit 146:5-9
Mga Awit 146:5-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.
Mga Awit 146:5-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa PANGINOON na kanyang Dios, na siyang gumawa ng langit at lupa, ng dagat at ang lahat ng narito. Mananatiling tapat ang Panginoon magpakailanman. Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng PANGINOON ang mga bilanggo. Pinagagaling niya ang mga bulag para makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya. Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.
Mga Awit 146:5-9 Ang Biblia (TLAB)
Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man: Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; iniibig ng Panginoon ang matuwid; Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
Mga Awit 146:5-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.
Mga Awit 146:5-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: Na gumawa ng langit at lupa, Ng dagat, at ng lahat na nandoon; Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man: Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; Na nagbibigay ng pagkain sa gutom: Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; Iniibig ng Panginoon ang matuwid; Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; Nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.