Mga Awit 146:5-6
Mga Awit 146:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan.
Mga Awit 146:5-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa PANGINOON na kanyang Dios, na siyang gumawa ng langit at lupa, ng dagat at ang lahat ng narito. Mananatiling tapat ang Panginoon magpakailanman.
Mga Awit 146:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man
Mga Awit 146:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)