Mga Awit 146:1-10
Mga Awit 146:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy. Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, kahit sa kaninong di makapagligtas; kung sila'y mamatay, balik sa alabok, kahit anong plano nila'y natatapos. Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya. Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh!
Mga Awit 146:1-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin ang PANGINOON! Karapat-dapat na purihin ang PANGINOON. Buong buhay akong magpupuri sa PANGINOON. Aawitan ko ang aking Dios ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay. Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas. Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa, at ang kanilang mga binabalak ay mawawalang lahat. Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa PANGINOON na kanyang Dios, na siyang gumawa ng langit at lupa, ng dagat at ang lahat ng narito. Mananatiling tapat ang Panginoon magpakailanman. Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng PANGINOON ang mga bilanggo. Pinagagaling niya ang mga bulag para makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya. Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama. Mga taga-Zion, ang PANGINOON na inyong Dios ay maghahari magpakailanman.
Mga Awit 146:1-10 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay. Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip. Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man: Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; iniibig ng Panginoon ang matuwid; Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad. Maghahari ang Panginoon magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga Awit 146:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy. Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, kahit sa kaninong di makapagligtas; kung sila'y mamatay, balik sa alabok, kahit anong plano nila'y natatapos. Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya. Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh!
Mga Awit 146:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay. Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip. Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: Na gumawa ng langit at lupa, Ng dagat, at ng lahat na nandoon; Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man: Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; Na nagbibigay ng pagkain sa gutom: Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; Iniibig ng Panginoon ang matuwid; Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; Nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad. Maghahari ang Panginoon magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo ang Panginoon.