Mga Awit 144:2-8
Mga Awit 144:2-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin. Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya? Ang tao ay parang walang kabuluhan: Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam. Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila, Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, Sa kamay ng mga taga ibang lupa; Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
Mga Awit 144:2-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matibay kong muog at Tagapagligtas, at aking tahanang hindi matitinag; Tagapagligtas kong pinapanaligan, nilulupig niya sakop kong mga bayan. O Yahweh, ano nga ba naman ang tao? At pinagtutuunan mo siya ng pansin? Katulad ay ulap na tangay ng hangin, napaparam siya na tulad ng lilim. Langit mong tahanan ay iyong hubugin, Yahweh, lisanin mo't bumabâ sa amin; mga kabundukan ay iyong yanigin, lalabas ang usok, aming mapapansin. Ang maraming kidlat ay iyong suguin, lahat ng kaaway iyong pakalatin; sa pagtakas nila ay iyong tudlain! Abutin mo ako at iyong itaas, sa kalalimang tubig ako ay iligtas; ipagsanggalang mo't nang di mapahamak sa mga dayuhang may taglay na lakas, Ubod sinungaling na walang katulad, kahit ang pangako'y pandarayang lahat.
Mga Awit 144:2-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Siya ang aking Dios na mapagmahal at matibay na kanlungan. Siya ang kumakanlong sa akin kaya sa kanya ako humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa. PANGINOON, ano ba ang tao para pagmalasakitan nʼyo? Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip? Ang tulad niyaʼy simoy ng hanging dumadaan, at ang kanyang mga araw ay parang anino na mabilis mawala. PANGINOON, buksan nʼyo ang langit at bumaba kayo. Hipuin nʼyo ang mga bundok upang magsiusok. Gamitin nʼyong parang pana ang mga kidlat, upang magsitakas at mangalat ang aking mga kaaway. Mula sa langit, abutin nʼyo ako at iligtas sa kapangyarihan ng aking mga kaaway na mula sa ibang bansa, na parang malakas na agos ng tubig. Silaʼy mga sinungaling, sumusumpa silang magsasabi ng katotohanan, ngunit silaʼy nagsisinungaling.
Mga Awit 144:2-8 Ang Biblia (TLAB)
Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin. Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya? Ang tao ay parang walang kabuluhan: ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam. Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila, Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa; Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
Mga Awit 144:2-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)