Mga Awit 143:8-12
Mga Awit 143:8-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid. Iligtas mo ako sa mga kalaban, ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan. Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan. Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag. Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin; ang nagpapahirap sa aki'y wasakin, yamang ang lingkod mo ay iyong alipin.
Mga Awit 143:8-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin ang inyong pag-ibig, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan na dapat kong daanan, dahil sa inyo ako nananalangin. PANGINOON, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway, dahil sa inyo ako humihingi ng kalinga. Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban, dahil kayo ang aking Dios. Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu sa landas na walang kapahamakan. Iligtas nʼyo ako, PANGINOON, upang kayo ay maparangalan. Dahil kayo ay matuwid, iligtas nʼyo ako sa kaguluhan. Alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin na inyong lingkod, lipulin nʼyo ang aking mga kaaway.
Mga Awit 143:8-12 Ang Biblia (TLAB)
Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo. Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway: tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako. Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; sapagka't ikaw ay aking Dios: ang iyong Espiritu ay mabuti; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran. Buhayin mo ako, Oh Panginoon, dahil sa iyong pangalan: sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan, At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway, at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa; sapagka't ako'y iyong lingkod.
Mga Awit 143:8-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid. Iligtas mo ako sa mga kalaban, ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan. Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan. Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag. Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin; ang nagpapahirap sa aki'y wasakin, yamang ang lingkod mo ay iyong alipin.
Mga Awit 143:8-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; Sapagka't sa iyo ako tumitiwala: Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo. Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway: Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako. Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; Sapagka't ikaw ay aking Dios: Ang iyong Espiritu ay mabuti; Patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran. Buhayin mo ako, Oh Panginoon, dahil sa iyong pangalan: Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan, At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway, At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa; Sapagka't ako'y iyong lingkod.