Mga Awit 142:1-7
Mga Awit 142:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, ako ay humingi ng tulong, ako'y maghihintay sa iyong pagtugon; ang aking dinala'y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko'y pawang suliranin. Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi'y nalalaman niya. Sa landas na aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway. Sa aking paligid, nang ako'y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin; tunay na ikaw lang mahalaga sa akin. Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan, pagkat halos ako'y di makagulapay; iligtas mo ako sa mga kaaway, na mas malalakas ang mga katawan. Sa suliranin ko, ako ay hanguin, at ang pangalan mo'y aking pupurihin, sa gitna ng madlang mga lingkod mo rin sa kabutihan mong ginawa sa akin!
Mga Awit 142:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tumawag ako nang malakas sa inyo, PANGINOON. Nananalangin ako na kaawaan nʼyo ako. Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin. Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa, kayo ay nariyan na nagbabantay kung ano ang nangyayari sa akin. Ang aking mga kaaway ay naglagay ng bitag sa aking dinadaanan. Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin. Kaya tumawag ako sa inyo, PANGINOON. Sinabi ko, “Kayo ang aking kanlungan, kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo.” Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, dahil wala na akong magawa. Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin, dahil silaʼy mas malakas sa akin. Palayain nʼyo ako sa bilangguang ito, upang akoʼy makapagpuri sa inyo. At ang mga matuwid ay magtitipon sa paligid ko, dahil sa kabutihan nʼyo sa akin, PANGINOON.
Mga Awit 142:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon. Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko. Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo. Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo: sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa. Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan, aking bahagi sa lupain ng may buhay. Pakinggan mo ang aking daing; sapagka't ako'y totoong nababa: iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; sapagka't sila'y malakas kay sa akin. Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan: kubkubin ako ng matuwid; sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Mga Awit 142:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, ako ay humingi ng tulong, ako'y maghihintay sa iyong pagtugon; ang aking dinala'y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko'y pawang suliranin. Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi'y nalalaman niya. Sa landas na aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway. Sa aking paligid, nang ako'y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin; tunay na ikaw lang mahalaga sa akin. Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan, pagkat halos ako'y di makagulapay; iligtas mo ako sa mga kaaway, na mas malalakas ang mga katawan. Sa suliranin ko, ako ay hanguin, at ang pangalan mo'y aking pupurihin, sa gitna ng madlang mga lingkod mo rin sa kabutihan mong ginawa sa akin!
Mga Awit 142:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon. Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko. Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, Nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran Ay pinagkukublihan nila ako ng silo. Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo: Sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: Kanlungan ay kulang ako; Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa. Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan, Aking bahagi sa lupain ng may buhay. Pakinggan mo ang aking daing; Sapagka't ako'y totoong nababa: Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; Sapagka't sila'y malakas kay sa akin. Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan: Kubkubin ako ng matuwid; Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.