Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 139:3-16

Mga Awit 139:3-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim. Ika'y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki'y nag-iingat. Nagtataka ang sarili't alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan. Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba'y makakaiwas? Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama; kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran; tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Mga Awit 139:3-16 Ang Biblia (TLAB)

Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad. Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin. Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot. Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo. Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa. Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila

Mga Awit 139:3-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim. Ika'y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki'y nag-iingat. Nagtataka ang sarili't alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan. Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba'y makakaiwas? Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama; kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran; tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Mga Awit 139:3-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, At iyong kilala ang lahat kong mga lakad. Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, Nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, At inilapag mo ang iyong kamay sa akin. Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; Ito'y mataas, hindi ko maabot. Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: Kagilagilalas ang iyong mga gawa; At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, Nang ako'y gawin sa lihim, At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa. Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, At sa iyong aklat ay pawang nangasulat, Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, Nang wala pang anoman sa kanila