Mga Awit 139:13-15
Mga Awit 139:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.
Mga Awit 139:13-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.
Mga Awit 139:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
Mga Awit 139:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.
Mga Awit 139:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: Kagilagilalas ang iyong mga gawa; At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, Nang ako'y gawin sa lihim, At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.