Mga Awit 139:11-12
Mga Awit 139:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.
Mga Awit 139:11-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi; kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, PANGINOON, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.
Mga Awit 139:11-12 Ang Biblia (TLAB)
Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.
Mga Awit 139:11-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.
Mga Awit 139:11-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo