Mga Awit 137:1-4
Mga Awit 137:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia, kami'y nakaupong tumatangis, sa tuwing Zion, aming naaalala. Sa sanga ng mga kahoy, sa tabi ng ilog nila, isinabit namin doon, yaong dala naming lira. Sa amin ay iniutos ng sa amin ay lumupig, na aliwin namin sila, ng matamis naming tinig, tungkol sa Zion, yaong paksa, niyong nais nilang awit. Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin?
Mga Awit 137:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang maalala namin ang Zion, umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak. Isinabit na lang namin ang aming mga alpa sa mga sanga ng kahoy. Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin. Inuutusan nila kaming sila ay aliwin. Ang sabi nila, “Awitan ninyo kami ng mga awit tungkol sa Zion!” Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng PANGINOON sa lupain ng mga bumihag sa amin?
Mga Awit 137:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion. Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa. Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion. Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain?
Mga Awit 137:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia, kami'y nakaupong tumatangis, sa tuwing Zion, aming naaalala. Sa sanga ng mga kahoy, sa tabi ng ilog nila, isinabit namin doon, yaong dala naming lira. Sa amin ay iniutos ng sa amin ay lumupig, na aliwin namin sila, ng matamis naming tinig, tungkol sa Zion, yaong paksa, niyong nais nilang awit. Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin?
Mga Awit 137:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, Nang ating maalaala ang Sion. Sa mga punong sauce sa gitna niyaon Ating ibinitin ang ating mga alpa. Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion. Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon Sa ibang lupain?