Mga Awit 136:1-4
Mga Awit 136:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Mga Awit 136:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Magpasalamat kayo sa PANGINOON, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa kanya na Dios ng mga dios. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa PANGINOON ng mga panginoon. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Mga Awit 136:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mga Awit 136:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Mga Awit 136:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.