Mga Awit 133:1-3
Mga Awit 133:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid! Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis, sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid, umaagos ito't nababasa pati ang suot na damit. Katulad din nito'y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon, hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Zion; sa lugar na ito, nangako si Yahweh, ang pangakong buhay na mananatili.
Mga Awit 133:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Dios na namumuhay nang may pagkakaisa. Itoʼy parang mamahaling langis na ibinuhos sa ulo ni Aaron na dumaloy sa kanyang balbas at kwelyo ng damit. Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon na umaabot sa Bundok ng Zion. At dito sa Zion ay nangako ang PANGINOON na magbibigay nang pagpapala, at itoʼy ang buhay na walang hanggan.
Mga Awit 133:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa! Parang mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot; Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion: sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.
Mga Awit 133:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid! Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis, sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid, umaagos ito't nababasa pati ang suot na damit. Katulad din nito'y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon, hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Zion; sa lugar na ito, nangako si Yahweh, ang pangakong buhay na mananatili.
Mga Awit 133:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya Sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa! Parang mahalagang langis sa ulo, Na tumutulo sa balbas, Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot; Gaya ng hamog sa Hermon, Na tumutulo sa mga bundok ng Sion: Sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.