Mga Awit 13:2-5
Mga Awit 13:2-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko? Ang aking mga araw ay punong-puno ng kalungkutan. Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway? PANGINOON kong Dios, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik nʼyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, dahil tiyak na magagalak sila kung mapahamak ako. PANGINOON, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako.
Mga Awit 13:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa, Na may kalumbayan sa aking puso buong araw? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin? Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan; Baka sabihin ng aking kaaway, Ako'y nanaig laban sa kaniya; Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako'y nakilos. Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas
Mga Awit 13:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin? Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin? Yahweh, aking Diyos, tingnan mo ako at sagutin, huwag hayaang mamatay, lakas ko'y panumbalikin. Baka sabihin ng kaaway ko na ako'y kanilang natalo, at sila'y magyabang dahil sa pagbagsak ko. Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas, magagalak ako dahil ako'y ililigtas.
Mga Awit 13:2-5 Ang Biblia (TLAB)
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa, na may kalumbayan sa aking puso buong araw? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin? Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan; Baka sabihin ng aking kaaway, ako'y nanaig laban sa kaniya; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako'y nakilos. Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas
Mga Awit 13:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)