Mga Awit 122:6-8
Mga Awit 122:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.” Alang-alang sa kasama at pamilya ko, sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.”
Mga Awit 122:6-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem sa pamamagitan ng pagsasabi, “Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito. Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalem at kaunlaran sa palasyo nito.” Alang-alang sa aking mga kamag-anak at mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem, “Sumainyo ang kapayapaan.”
Mga Awit 122:6-8 Ang Biblia (TLAB)
Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo. Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio. Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob.
Mga Awit 122:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.” Alang-alang sa kasama at pamilya ko, sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.”
Mga Awit 122:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo. Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio. Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, Aking sasabihin ngayon, Kapayapaan ang sumaiyong loob.