Mga Awit 119:57-60
Mga Awit 119:57-60 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ikaw lamang, O Yahweh, ang lahat sa aking buhay, kaya ako'y nangangakong susundin ang kautusan. Taimtim sa aking puso, na ako ay humihiling, sang-ayon sa pangako mo ay mahabag ka sa akin. Tinanong ko ang sarili kung ano ang nararapat, ang tugon sa katanunga'y sundin ko ang iyong batas. Kaya ako'y nagdumali, upang hindi na mabalam, sa hangad kong masunod na ang bigay mong kautusan.
Mga Awit 119:57-60 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayo lang PANGINOON, ang tangi kong kailangan. Akoʼy nangangakong susundin ang inyong mga salita. Buong puso akong nakikiusap sa inyo na ako ay inyong kahabagan ayon sa inyong pangako. Pinag-isipan ko kung paano ako namuhay, at napagpasyahan kong sumunod sa inyong mga turo. Agad kong sinunod ang inyong mga utos.
Mga Awit 119:57-60 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita. Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita. Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
Mga Awit 119:57-60 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ikaw lamang, O Yahweh, ang lahat sa aking buhay, kaya ako'y nangangakong susundin ang kautusan. Taimtim sa aking puso, na ako ay humihiling, sang-ayon sa pangako mo ay mahabag ka sa akin. Tinanong ko ang sarili kung ano ang nararapat, ang tugon sa katanunga'y sundin ko ang iyong batas. Kaya ako'y nagdumali, upang hindi na mabalam, sa hangad kong masunod na ang bigay mong kautusan.
Mga Awit 119:57-60 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang Panginoon ay aking bahagi: Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita. Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita. Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, Na sundin ang iyong mga utos.