Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 119:33-48

Mga Awit 119:33-48 Ang Salita ng Dios (ASND)

PANGINOON, ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, at habang nabubuhay itoʼy aking susundin. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan. Pangunahan nʼyo ako sa aking pagsunod sa inyong mga utos, dahil ito ang aking kasiyahan. Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman. Ilayo nʼyo ako sa pagnanais ng mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako. Tuparin nʼyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na siyang mga ipinangako nʼyo sa mga may takot sa inyo. Alisin nʼyo ang mga kahihiyan na aking kinatatakutan, dahil mabuti ang inyong mga tuntunin. Gusto kong sundin ang inyong mga tuntunin. Dahil kayoʼy matuwid, panatilihin nʼyo akong buhay. PANGINOON, ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig at pagliligtas sa akin, ayon sa inyong pangako. Pagkatapos sasagutin ko ang mga kumukutya sa akin, dahil akoʼy nagtitiwala sa inyong mga salita. Tulungan nʼyo akong masabi ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil ang pag-asa ko ay nakasalalay sa inyong mga kautusan. Lagi kong susundin ang inyong kautusan habang akoʼy nabubuhay. Mamumuhay akong may kalayaan, dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin. Hindi ko ikakahiyang sabihin ang inyong mga turo sa harapan ng mga hari. Nagagalak akong sundin ang inyong mga utos na aking minamahal. Iginagalang ko ang inyong mga utos na aking minamahal, at pinagbubulay-bulayan ko ang inyong mga tuntunin.

Mga Awit 119:33-48 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain. Sa akin ay ipadama ang dakilang pag-ibig mo, ayon sa pangako, Yahweh, iligtas mo ako; upang yaong nanlalait sa akin ay masagot ko, yamang ako'y may tiwala sa lahat ng salita mo. Tulungan mong ihayag ang mga katotohanan, pagkat ako'y may tiwala sa tapat mong kahatulan. Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay. Ako nama'y mamumuhay nang payapa at malaya, yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa. At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin, hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin. Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis, di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig. Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang, sa aral mo at tuntunin ako'y magbubulay-bulay.

Mga Awit 119:33-48 Ang Biblia (TLAB)

Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran. Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man. At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya. At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig. Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.

Mga Awit 119:33-48 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain. Sa akin ay ipadama ang dakilang pag-ibig mo, ayon sa pangako, Yahweh, iligtas mo ako; upang yaong nanlalait sa akin ay masagot ko, yamang ako'y may tiwala sa lahat ng salita mo. Tulungan mong ihayag ang mga katotohanan, pagkat ako'y may tiwala sa tapat mong kahatulan. Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay. Ako nama'y mamumuhay nang payapa at malaya, yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa. At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin, hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin. Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis, di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig. Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang, sa aral mo at tuntunin ako'y magbubulay-bulay.

Mga Awit 119:33-48 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; At aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; Sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, At huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, Na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; Buhayin mo ako sa iyong katuwiran. Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi Magpakailan-kailan pa man. At lalakad ako sa kalayaan; Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, At hindi ako mapapahiya. At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, Na aking iniibig. Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.