Mga Awit 119:137-139
Mga Awit 119:137-139 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan. Yaong mga tuntunin mong iniukol mo sa amin, sa lahat ay naaangkop, at matapat ang layunin. Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab, pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak.
Mga Awit 119:137-139 Ang Salita ng Dios (ASND)
Matuwid kayo, PANGINOON, at tama ang inyong mga paghatol. Ang inyong ibinigay na mga turo ay matuwid at mapagkatiwalaan. Labis ang aking galit dahil binalewala ng aking mga kaaway ang inyong mga salita.
Mga Awit 119:137-139 Ang Biblia (TLAB)
Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat. Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
Mga Awit 119:137-139 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)