Mga Awit 119:105-112
Mga Awit 119:105-112 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw. Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin, tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin. Labis-labis, O Yahweh, ang hirap kong tinataglay, sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay. Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin. Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay; pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan. Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama, ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira. Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan. Ang pasya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.
Mga Awit 119:105-112 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan. Tutuparin ko ang aking ipinangako na susundin ang inyong matuwid na mga utos. Hirap na hirap na po ako PANGINOON; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Tanggapin nʼyo PANGINOON ang taos-puso kong pagpupuri sa inyo, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga utos. Kahit na akoʼy palaging nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan. Ang masasama ay naglagay ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin. Ang inyong mga turo ang aking mana na walang hanggan, dahil itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan. Aking napagpasyahan na susundin ko ang inyong mga tuntunin hanggang sa katapusan.
Mga Awit 119:105-112 Ang Biblia (TLAB)
Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso. Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.
Mga Awit 119:105-112 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw. Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin, tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin. Labis-labis, O Yahweh, ang hirap kong tinataglay, sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay. Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin. Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay; pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan. Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama, ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira. Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan. Ang pasya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.
Mga Awit 119:105-112 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, At liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. Ako'y nagdadalamhating mainam: Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. Ipinaglagay ako ng silo ng masama; Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailan man; Sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso. Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, Magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.