Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 119:1-32

Mga Awit 119:1-32 Ang Salita ng Dios (ASND)

Mapalad ang taong namumuhay nang malinis, na naaayon sa utos ng PANGINOON. Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban. Hindi sila gumagawa ng masama kundi sumusunod sa mga pamamaraan ng Dios. PANGINOON, ibinigay nʼyo sa amin ang inyong mga tuntunin upang itoʼy matapat naming sundin. Labis kong ninanais na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga tuntunin. At hindi ako mapapahiya kapag sinunod ko ang inyong mga utos. Akoʼy magpupuri sa inyo nang may malinis na puso, habang pinag-aaralan ko ang inyong matuwid na mga utos. Susundin ko ang inyong mga tuntunin, kaya huwag nʼyo akong pababayaan. Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay? Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita. Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos. Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo. Purihin kayo PANGINOON! Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Paulit-ulit kong sinasabi ang mga kautusang ibinigay ninyo. Nagagalak akong sumunod sa inyong mga katuruan, higit pa sa kagalakang dulot ng mga kayamanan. Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan. Magagalak ako sa inyong mga tuntunin, at ang inyong mga salitaʼy hindi ko lilimutin. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod, upang patuloy akong makasunod at makapamuhay ng ayon sa inyong salita. Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan. Akoʼy pansamantala lang dito sa sanlibutan, kaya ipaliwanag nʼyo sa akin ang inyong mga utos. Sa lahat ng oras ay naghahangad akong malaman ang inyong mga utos. Sinasaway nʼyo ang mga hambog at isinusumpa ang mga ayaw sumunod sa inyong mga utos. Ilayo nʼyo ako sa kanilang panghihiya at pangungutya, dahil sinusunod ko ang inyong mga turo. Kahit na magtipon ang mga namumuno at mag-usap laban sa akin, akong lingkod nʼyo ay patuloy na magbubulay-bulay ng inyong mga tuntunin. Ang inyong mga turo, ay nagbibigay sa akin ng kagalakan, at nagsisilbing tagapayo. Akoʼy parang mamamatay na, kaya panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Sinabi ko sa inyo ang tungkol sa aking pamumuhay at pinakinggan nʼyo ako. Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Ipaunawa nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa. Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako. Ilayo nʼyo ako mula sa paggawa ng masama, at tulungan nʼyo ako na sundin ang inyong kautusan. Pinili ko ang tamang daan, gusto kong sumunod sa inyong mga utos. PANGINOON, sinunod ko ang inyong mga turo, kaya huwag nʼyong papayagang akoʼy mapahiya. Pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga utos, dahil pinapalawak nʼyo ang aking pang-unawa.

Mga Awit 119:1-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Mapalad silang sakdal sa lakad, Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, Upang aming sunding masikap. Oh matatag nawa ang aking mga daan, Upang sundin ang mga palatuntunan mo! Hindi nga ako mapapahiya, Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: Upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Mapalad ka, Oh Panginoon: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Aking ipinahayag ng aking mga labi Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, Na gaya ng lahat na kayamanan. Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, At gagalang sa iyong mga daan. Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: Hindi ko kalilimutan ang iyong salita. Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita. Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. Ako'y nakikipamayan sa lupa: Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik. Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon. Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran. At aking mga tagapayo. Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: Buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, Pagka iyong pinalaki ang aking puso.

Mga Awit 119:1-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban; ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap, sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos, upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod. Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat. Kahihiyan ay hindi ko matitikman kailanpaman, kung ako ay susunod nang tapat sa iyong kautusan. Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok, buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos. Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin, huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin. Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Buong puso ang hangad kong sambahin ka't paglingkuran, huwag mo akong hahayaang sa utos mo ay sumuway. Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman. Pupurihin kita, Yahweh, ika'y aking pupurihin; ang lahat ng tuntunin mo ay ituro po sa akin. Ang lahat mong mga utos na sa aki'y ibinigay, palagi kong babanggitin, malakas kong isisigaw. Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan, higit pa sa kagalakang dulot nitong kayamanan. Ako'y laging mag-aaral sa lahat ng tuntunin mo, nang aking maunawaan, pagbubulay-bulayan ko. Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod, iingatan sa puso ko upang iyo'y di malimot. Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain, upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin. Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan, kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral. Ang buhay ko sa daigdig ay pansamantala lamang, kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan. Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad, ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras. Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan; at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban. Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap, yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad. Kahit ako ay usigi't labanan ng pamunuan, itong iyong abang lingkod sa utos mo'y mag-aaral. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw, siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin. Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok, sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo, ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro. Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan, iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko; huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin, dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin.

Mga Awit 119:1-32 Ang Biblia (TLAB)

Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo! Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan. Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan. Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita. Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita. Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon. Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo. Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.

Mga Awit 119:1-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban; ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap, sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos, upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod. Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat. Kahihiyan ay hindi ko matitikman kailanpaman, kung ako ay susunod nang tapat sa iyong kautusan. Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok, buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos. Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin, huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin. Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Buong puso ang hangad kong sambahin ka't paglingkuran, huwag mo akong hahayaang sa utos mo ay sumuway. Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman. Pupurihin kita, Yahweh, ika'y aking pupurihin; ang lahat ng tuntunin mo ay ituro po sa akin. Ang lahat mong mga utos na sa aki'y ibinigay, palagi kong babanggitin, malakas kong isisigaw. Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan, higit pa sa kagalakang dulot nitong kayamanan. Ako'y laging mag-aaral sa lahat ng tuntunin mo, nang aking maunawaan, pagbubulay-bulayan ko. Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod, iingatan sa puso ko upang iyo'y di malimot. Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain, upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin. Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan, kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral. Ang buhay ko sa daigdig ay pansamantala lamang, kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan. Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad, ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras. Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan; at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban. Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap, yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad. Kahit ako ay usigi't labanan ng pamunuan, itong iyong abang lingkod sa utos mo'y mag-aaral. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw, siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin. Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok, sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo, ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro. Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan, iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko; huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin, dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin.

Mga Awit 119:1-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Mapalad silang sakdal sa lakad, Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, Upang aming sunding masikap. Oh matatag nawa ang aking mga daan, Upang sundin ang mga palatuntunan mo! Hindi nga ako mapapahiya, Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: Upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Mapalad ka, Oh Panginoon: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Aking ipinahayag ng aking mga labi Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, Na gaya ng lahat na kayamanan. Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, At gagalang sa iyong mga daan. Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: Hindi ko kalilimutan ang iyong salita. Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita. Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. Ako'y nakikipamayan sa lupa: Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik. Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon. Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran. At aking mga tagapayo. Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: Buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, Pagka iyong pinalaki ang aking puso.

Mga Awit 119:1-32

Mga Awit 119:1-32 RTPV05Mga Awit 119:1-32 RTPV05Mga Awit 119:1-32 RTPV05