Mga Awit 118:5-9
Mga Awit 118:5-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas. Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating. Si Yahweh ang siyang sa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila't aking mamamasdan. Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga tao. Higit ngang mabuting ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay, kaysa pamunuan ang ating asahan.
Mga Awit 118:5-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa aking kagipitan, dumulog ako sa PANGINOON, at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas. Kasama ko ang PANGINOON, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin? Kasama ko ang PANGINOON, siya ang tumutulong sa akin. Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway. Mas mabuting manalig sa PANGINOON, sa halip na magtiwala sa tao. Mas mabuting manalig sa PANGINOON, sa halip na magtiwala sa mga pinuno.
Mga Awit 118:5-9 Ang Biblia (TLAB)
Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
Mga Awit 118:5-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas. Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating. Si Yahweh ang siyang sa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila't aking mamamasdan. Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga tao. Higit ngang mabuting ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay, kaysa pamunuan ang ating asahan.
Mga Awit 118:5-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: Anong magagawa ng tao sa akin? Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon Kay sa maglagak ng tiwala sa tao. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.