Mga Awit 117:1-2
Mga Awit 117:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa! Pagkat ang pag-ibig na ukol sa ati'y dakila at wagas, at ang katapatan niya'y walang wakas. Purihin si Yahweh!
Mga Awit 117:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin nʼyo at parangalan ang PANGINOON, kayong lahat ng mamamayan ng mga bansa! Dahil napakadakila ng pag-ibig sa atin ng PANGINOON, at ang kanyang katapatan ay walang hanggan.
Mga Awit 117:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga Awit 117:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa! Pagkat ang pag-ibig na ukol sa ati'y dakila at wagas, at ang katapatan niya'y walang wakas. Purihin si Yahweh!
Mga Awit 117:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin; At ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.