Mga Awit 106:1-5
Mga Awit 106:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Sinong mangangahas upang magpahayag na siya'y dakila? Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa? At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan, na gawang matuwid ang adhika sa buo niyang buhay. Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo'y iyong nagunita, sa pagliligtas mo, ang abâ mong lingkod isama mo sana; upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang, kasama ng iyong bansang nagagalak, ako'y magdiriwang.
Mga Awit 106:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin nʼyo ang PANGINOON! Magpasalamat kayo sa kanya dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan. Walang makapagsasabi at makapagpupuri nang lubos sa makapangyarihang gawa ng PANGINOON. Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon. PANGINOON, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan; iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila, upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang, at makadama rin ng kanilang kagalakan, at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.
Mga Awit 106:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan? Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon. Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
Mga Awit 106:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Sinong mangangahas upang magpahayag na siya'y dakila? Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa? At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan, na gawang matuwid ang adhika sa buo niyang buhay. Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo'y iyong nagunita, sa pagliligtas mo, ang abâ mong lingkod isama mo sana; upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang, kasama ng iyong bansang nagagalak, ako'y magdiriwang.
Mga Awit 106:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan? Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon. Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.