Mga Awit 104:2-4
Mga Awit 104:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad. Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas, ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap, sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad. Tagahatid ng balita ay hangin ding sumisimoy, at kidlat na matatalim ang lingkod mong tumutulong.
Mga Awit 104:2-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nababalutan kayo ng liwanag na parang inyong damit. At inilaladlad nʼyo na parang tolda ang langit. Itinayo nʼyo ang inyong tahanan sa itaas pa ng kalawakan. Ginawa nʼyo ang mga alapaap na inyong sasakyan, at inililipad ng hangin habang kayoʼy nakasakay. Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin, at ang kidlat na inyong utusan.
Mga Awit 104:2-4 Ang Biblia (TLAB)
Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing: Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin: Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy
Mga Awit 104:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad. Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas, ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap, sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad. Tagahatid ng balita ay hangin ding sumisimoy, at kidlat na matatalim ang lingkod mong tumutulong.
Mga Awit 104:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; Na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing: Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; Na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; Na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin: Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; Ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy