Mga Awit 102:25-27
Mga Awit 102:25-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa simula, kayo ang lumikha ng mundo at ng kalangitan. Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili kayo magpakailanman. Maluluma itong lahat tulad ng damit. At gaya ng damit, itoʼy inyong papalitan. Ngunit hindi kayo magbabago, at mananatili kayong buhay magpakailanman.
Mga Awit 102:25-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas; sila'y huhubaring parang kasuotan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.
Mga Awit 102:25-27 Ang Biblia (TLAB)
Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay. Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan: Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
Mga Awit 102:25-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas; sila'y huhubaring parang kasuotan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.
Mga Awit 102:25-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay. Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan: Nguni't ikaw rin, At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.