Mga Awit 10:16-18
Mga Awit 10:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, kayo ay Hari magpakailanman! At ang masasamang tao ay maglalaho sa mundo. PANGINOON, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap. Pakinggan nʼyo po sila at palakasin. Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api, upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang.
Mga Awit 10:16-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.
Mga Awit 10:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Naghahari si Yahweh magpakailanpaman, mga bansang may ibang Diyos, sa lupa'y mapaparam. Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.
Mga Awit 10:16-18 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.
Mga Awit 10:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)