Mga Awit 10:1-18
Mga Awit 10:1-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, bakit masyado kang malayo? Sa panahon ng gulo, bakit ka nagtatago? Inaapi ang mga dukha ng palalo't walang-awa; nawa'y sila ang mahuli sa patibong nilang gawa. Ipinagyayabang ng masasama ang kanilang mga hangarin; si Yahweh ay nilalait at sinusumpa ng mga sakim. Ang sabi ng masasamang tao, “Diyos ay walang pakialam,” sabi nila'y “walang Diyos,” dahil sa kanilang kahambugan. Ang masasama'y palaging nagtatagumpay; ang hatol ng Diyos ay di nila nauunawaan, palagi nilang tinutuya ang kanilang mga kaaway. Sinasabi nila sa sarili, “Hindi kami mabibigo; kaguluhan sa buhay, hindi namin matatamo.” Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya, dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita. Sa mga nayon sila'y nag-aabang, upang paslangin ang walang kamalay-malay. Para silang leon na nasa taguan, mga kawawang dukha'y inaabangan, hinuhuli ang mga ito sa kanilang bitag, at pagkatapos ay kinakaladkad. Dahan-dahan silang gumagapang, upang biktimahin ang mga mahihina. Ganito ang sabi ng masasama, “Ang Diyos ay walang pakialam! Mata niya'y nakapikit, di niya ako mapagmamasdan.” Gumising ka, O Yahweh, at ang masasama'y parusahan, silang mga naghihirap ay huwag mong kalimutan! Bakit hinahayaan ng Diyos na hamakin siya ng masasama, na nagsasabing ang parusahan sila'y di raw niya magagawa? Subalit nakikita mo ang hirap at kaapihan, at ikaw ay palaging handang dumamay. Ang mga kapus-palad ay sa iyo lang umaasa, sa tuwina'y sumasaklolo ka sa mga ulila. Mga braso ng masasama'y iyong baliin, parusahan mo sila't kasamaa'y sugpuin. Naghahari si Yahweh magpakailanpaman, mga bansang may ibang Diyos, sa lupa'y mapaparam. Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.

Mga Awit 10:1-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, bakit parang kay layo nʼyo sa akin? Bakit sa panahon ng kaguluhan kayo ay nagtatago sa amin? Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano. Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang PANGINOON. Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, binabalewala nila ang Dios, at ayaw nila siyang lapitan. Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, at hindi man lang sila nag-aalala na silaʼy inyong hahatulan. Hinahamak nila ang lahat ng kanilang mga kaaway. Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema. Silaʼy lapastangan kapag nagsalita, sinungaling at mapagbanta, at sila na rin ang nagsasabi ng masasakit at masasamang salita. Sa liblib na mga lugar silaʼy nagtatago, at nag-aabang sa mga inosente na kanilang papatayin. Naghihintay silang nakakubli na parang leon, upang sakmalin at kaladkarin ang mahihirap. Dahil malakas sila, ibinabagsak nila ang mga kawawa, hanggang sa hindi na makabangon. Ang akala nilaʼy hindi sila pinapansin ng Dios at hinding-hindi niya nakikita ang kanilang mga ginagawa. Sige na PANGINOONG Dios, parusahan nʼyo na po ang mga taong masama. Huwag nʼyong pababayaan ang mga inaapi. O Dios, bakit nilalait kayo ng mga taong masama? Sinasabi pa nila, “Hindi tayo parurusahan ng Dios.” Ngunit nakikita nʼyo, O Dios, ang mga taong nagdurusa at naghihirap. Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga ulila, at nakahanda kayong tumulong sa kanila. Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama, at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama. PANGINOON, kayo ay Hari magpakailanman! At ang masasamang tao ay maglalaho sa mundo. PANGINOON, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap. Pakinggan nʼyo po sila at palakasin. Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api, upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang.
Mga Awit 10:1-18 Ang Biblia (TLAB)
Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon. Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios. Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila. Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan. Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan. Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili. Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya. Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas. Sinasabi niya sa kaniyang puso: ang Dios ay nakalimot: kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man. Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: huwag mong kalimutan ang dukha. Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, at nagsasabi sa kaniyang puso: hindi mo sisiyasatin? Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; ikaw ay naging tagakandili sa ulila. Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan. Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.
Mga Awit 10:1-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, bakit masyado kang malayo? Sa panahon ng gulo, bakit ka nagtatago? Inaapi ang mga dukha ng palalo't walang-awa; nawa'y sila ang mahuli sa patibong nilang gawa. Ipinagyayabang ng masasama ang kanilang mga hangarin; si Yahweh ay nilalait at sinusumpa ng mga sakim. Ang sabi ng masasamang tao, “Diyos ay walang pakialam,” sabi nila'y “walang Diyos,” dahil sa kanilang kahambugan. Ang masasama'y palaging nagtatagumpay; ang hatol ng Diyos ay di nila nauunawaan, palagi nilang tinutuya ang kanilang mga kaaway. Sinasabi nila sa sarili, “Hindi kami mabibigo; kaguluhan sa buhay, hindi namin matatamo.” Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya, dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita. Sa mga nayon sila'y nag-aabang, upang paslangin ang walang kamalay-malay. Para silang leon na nasa taguan, mga kawawang dukha'y inaabangan, hinuhuli ang mga ito sa kanilang bitag, at pagkatapos ay kinakaladkad. Dahan-dahan silang gumagapang, upang biktimahin ang mga mahihina. Ganito ang sabi ng masasama, “Ang Diyos ay walang pakialam! Mata niya'y nakapikit, di niya ako mapagmamasdan.” Gumising ka, O Yahweh, at ang masasama'y parusahan, silang mga naghihirap ay huwag mong kalimutan! Bakit hinahayaan ng Diyos na hamakin siya ng masasama, na nagsasabing ang parusahan sila'y di raw niya magagawa? Subalit nakikita mo ang hirap at kaapihan, at ikaw ay palaging handang dumamay. Ang mga kapus-palad ay sa iyo lang umaasa, sa tuwina'y sumasaklolo ka sa mga ulila. Mga braso ng masasama'y iyong baliin, parusahan mo sila't kasamaa'y sugpuin. Naghahari si Yahweh magpakailanpaman, mga bansang may ibang Diyos, sa lupa'y mapaparam. Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.
Mga Awit 10:1-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon. Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, Walang Dios. Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila. Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan. Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan. Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili. Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya. Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas. Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot: Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man. Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: Huwag mong kalimutan ang dukha. Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo sisiyasatin? Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: Ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; Ikaw ay naging tagakandili sa ulila. Baliin mo ang bisig ng masama: At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan. Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.