Mga Kawikaan 8:6-9
Mga Kawikaan 8:6-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga, bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda. Pawang katotohanan itong aking bibigkasin, at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling. Itong sasabihin ko ay pawang matuwid, lahat ay totoo, wala akong pinilipit. Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa, at sa marurunong ito ay pawang tama.
Mga Kawikaan 8:6-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Makinig kayo sa sasabihin ko, sapagkat ito ay tama at kapaki-pakinabang. Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang; sa nagsasalita ng masama ako ay nasusuklam. Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya. Ang lahat ng sinasabi ko ay malinaw at pawang tama sa taong may pang-unawa.
Mga Kawikaan 8:6-9 Ang Biblia (TLAB)
Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila. Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
Mga Kawikaan 8:6-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga, bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda. Pawang katotohanan itong aking bibigkasin, at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling. Itong sasabihin ko ay pawang matuwid, lahat ay totoo, wala akong pinilipit. Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa, at sa marurunong ito ay pawang tama.
Mga Kawikaan 8:6-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; At ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; At kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; Walang bagay na liko o suwail sa kanila. Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, At matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.