Mga Kawikaan 8:1-36
Mga Kawikaan 8:1-36 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi mo ba naririnig ang tawag ng karunungan, at ang tinig ng unawa'y hindi pa ba napakinggan? Nasa dako siyang mataas, sa tagpuan ng mga landas; nasa mga pintuan siya, sa may harap nitong bayan, nakatindig sa pagpasok at ito ang kanyang sigaw: “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan, para nga sa lahat itong aking panawagan. Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat, at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas. Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga, bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda. Pawang katotohanan itong aking bibigkasin, at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling. Itong sasabihin ko ay pawang matuwid, lahat ay totoo, wala akong pinilipit. Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa, at sa marurunong ito ay pawang tama. Payo ko'y pahalagahan nang higit pa sa pilak, at ang dunong, sa ginto ay huwag sanang itutumbas. “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas, anumang kayamanan ay hindi maitutumbas. Ako ay nagbibigay ng talas ng kaisipan, itinuturo ko ang landas ng hinaho't karunungan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan. Mayroon akong lakas at taglay na kakayahan, ganoon din naman, unawa't kapangyarihan. Dahil sa akin, ang hari'y nakapamamahala, nagagawa ng mga pinuno ang utos na siyang tama. Talino ng punong-bayan ay sa akin nagmumula, at ako rin ang dahilan, dangal nila't pagdakila. Mahal ko silang lahat na sa aki'y nagmamahal, kapag hinanap ako nang masikap, tiyak na masusumpungan. Ang yaman at karangalan ay aking tinataglay, kayamanang walang maliw, kasaganaan sa buhay. Ang bunga ko ay higit pa sa gintong dinalisay, mataas pa kaysa pilak ang halagang tinataglay. Ang landas kong dinaraanan, ay daan ng katuwiran, ang aking tinatahak, ay landas ng katarungan. Ang sa aki'y nagmamahal binibigyan ko ng yaman, aking pinupuno ang kanilang mga sisidlan. “Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una, noong una pang panahon ako ay nalikha na. Matagal nang panahon nang anyuan niya ako, bago pa nalikha at naanyo itong mundo. Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw, wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw. Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok, nang ako ay isilang dito sa sansinukob. Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid, nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig. Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na, maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga. Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay, at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman. Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat, nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag, ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain, ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw. Ako ay nagdiwang, nang daigdig ay matapos, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos. “At ngayon, aking anak, ako nga ay pakinggan, sundin ang payo ko't liligaya ang iyong buhay. Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo, huwag mong pababayaan ni lalayuan ito. Mapalad ang taong sa akin ay nakikinig, sa akin ay nag-aabang at palaging nakatitig. Pagkat ang makasumpong sa akin ay nakasumpong ng buhay, at ang kalooban ni Yahweh ay kanyang nakakamtan. Ngunit ang di makasumpong sa akin, sarili ang sinasaktan, ang napopoot sa akin, iniibig ay kamatayan.”
Mga Kawikaan 8:1-36 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang karunungan at pang-unawa ay katulad ng taong nangangaral. Tumatayo siya sa matataas na lugar sa tabi ng daan, sa mga kanto, sa mga pintuan ng lungsod at mga daanan. Nangangaral siya nang malakas, “Kayong mga tao sa buong mundo, pakinggan ninyo ang aking panawagan. Kayong mga walang alam, magkaroon kayo ng karunungan. Kayong mga mangmang magkaroon kayo ng pang-unawa. Makinig kayo sa sasabihin ko, sapagkat ito ay tama at kapaki-pakinabang. Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang; sa nagsasalita ng masama ako ay nasusuklam. Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya. Ang lahat ng sinasabi ko ay malinaw at pawang tama sa taong may pang-unawa. Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto. Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo. Ako ang karunungan at alam ko kung paano unawain ang tama at mali, at alam ko rin kung paano magpasya nang tama. Ang may takot sa PANGINOON ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali. Magaling akong magpayo at may sapat na kaalaman. May pang-unawa at kapangyarihan. Sa pamamagitan ko nakakapamuno ang mga hari at ang mga pinunoʼy nakagagawa ng mga tamang batas. Sa pamamagitan ko makakapamuno ang mga tagapamahala at mga opisyal – ang lahat na namumuno ng matuwid. Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin; makikita ako ng mga naghahanap sa akin. Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan, kaunlaran at tagumpay na magtatagal. Ang maibibigay ko ay higit pa sa purong ginto at pilak. Sinusunod ko ang tama at matuwid. Bibigyan ko ng kayamanan ang nagmamahal sa akin; pupunuin ko ang lalagyan nila ng kayamanan. Noong una pa, nilikha na ako ng PANGINOON bago niya likhain ang lahat. Nilikha na niya ako noong una pa man. Naroon na ako nang wala pa ang mundo, ang mga dagat, mga bukal, mga bundok, mga burol, mga bukid at kahit pa ang mga alikabok. Naroon na ako nang likhain niya ang langit, maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa. Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap, nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman, nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw, at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo. Katulad koʼy arkitekto, na nasa tabi ng PANGINOON. Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at lagi naman akong masaya sa piling niya. Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito. Kaya ngayon mga anak pakinggan ninyo ako. Mapalad ang mga sumusunod sa pamamaraan ko. Pakinggan ninyo ang mga pagtutuwid ko sa inyong pag-uugali upang maging marunong kayo, at huwag ninyo itong kalilimutan. Mapalad ang taong laging sa akin nakatuon ang isip at naghihintay para makinig sa akin. Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin ay magkakaroon ng maganda at mahabang buhay, at pagpapalain siya ng PANGINOON. Ngunit ang taong hindi makakasumpong sa akin ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Ang mga galit sa akin ay naghahanap ng kamatayan.”
Mga Kawikaan 8:1-36 Ang Biblia (TLAB)
Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo; Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas: Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao. Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; at, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso. Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila. Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya. Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita. Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim. Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan, Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo. Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa. Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako. Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran. Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak. Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan: Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin, at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman. Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao. Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako: sapagka't mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan. Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas, at huwag ninyong tanggihan. Mapalad ang tao na nakikinig sa akin, na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan, na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan. Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon. Nguni't siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan.
Mga Kawikaan 8:1-36 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi mo ba naririnig ang tawag ng karunungan, at ang tinig ng unawa'y hindi pa ba napakinggan? Nasa dako siyang mataas, sa tagpuan ng mga landas; nasa mga pintuan siya, sa may harap nitong bayan, nakatindig sa pagpasok at ito ang kanyang sigaw: “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan, para nga sa lahat itong aking panawagan. Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat, at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas. Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga, bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda. Pawang katotohanan itong aking bibigkasin, at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling. Itong sasabihin ko ay pawang matuwid, lahat ay totoo, wala akong pinilipit. Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa, at sa marurunong ito ay pawang tama. Payo ko'y pahalagahan nang higit pa sa pilak, at ang dunong, sa ginto ay huwag sanang itutumbas. “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas, anumang kayamanan ay hindi maitutumbas. Ako ay nagbibigay ng talas ng kaisipan, itinuturo ko ang landas ng hinaho't karunungan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan. Mayroon akong lakas at taglay na kakayahan, ganoon din naman, unawa't kapangyarihan. Dahil sa akin, ang hari'y nakapamamahala, nagagawa ng mga pinuno ang utos na siyang tama. Talino ng punong-bayan ay sa akin nagmumula, at ako rin ang dahilan, dangal nila't pagdakila. Mahal ko silang lahat na sa aki'y nagmamahal, kapag hinanap ako nang masikap, tiyak na masusumpungan. Ang yaman at karangalan ay aking tinataglay, kayamanang walang maliw, kasaganaan sa buhay. Ang bunga ko ay higit pa sa gintong dinalisay, mataas pa kaysa pilak ang halagang tinataglay. Ang landas kong dinaraanan, ay daan ng katuwiran, ang aking tinatahak, ay landas ng katarungan. Ang sa aki'y nagmamahal binibigyan ko ng yaman, aking pinupuno ang kanilang mga sisidlan. “Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una, noong una pang panahon ako ay nalikha na. Matagal nang panahon nang anyuan niya ako, bago pa nalikha at naanyo itong mundo. Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw, wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw. Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok, nang ako ay isilang dito sa sansinukob. Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid, nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig. Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na, maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga. Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay, at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman. Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat, nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag, ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain, ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw. Ako ay nagdiwang, nang daigdig ay matapos, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos. “At ngayon, aking anak, ako nga ay pakinggan, sundin ang payo ko't liligaya ang iyong buhay. Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo, huwag mong pababayaan ni lalayuan ito. Mapalad ang taong sa akin ay nakikinig, sa akin ay nag-aabang at palaging nakatitig. Pagkat ang makasumpong sa akin ay nakasumpong ng buhay, at ang kalooban ni Yahweh ay kanyang nakakamtan. Ngunit ang di makasumpong sa akin, sarili ang sinasaktan, ang napopoot sa akin, iniibig ay kamatayan.”
Mga Kawikaan 8:1-36 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hindi ba umiiyak ang karunungan, At inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, Sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo; Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, Sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas: Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; At ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao. Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; At, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso. Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; At ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; At kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; Walang bagay na liko o suwail sa kanila. Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, At matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; At ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; At lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya. Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, At aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita. Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, At ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim. Payo ay akin at magaling na kaalaman: Ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan, Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, At nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo. Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, At ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa. Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; At yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako. Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran. Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; At ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak. Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, Sa gitna ng mga landas ng kahatulan: Upang aking papagmanahin ng pagaari yaong nagsisiibig sa akin, At upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman. Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, Bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, Na nagagalak na lagi sa harap niya; Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; At ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao. Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako: Sapagka't mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan. Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas, At huwag ninyong tanggihan. Mapalad ang tao na nakikinig sa akin, Na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan, Na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan. Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon. Nguni't siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa; Silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan.