Mga Kawikaan 7:24-27
Mga Kawikaan 7:24-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga ba, aking anak, sa akin ay makinig, at dinggin mo ang salitang mula sa aking bibig. Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit, ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis, sapagkat marami na ang kanyang naipahamak, at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak. Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian, tiyak na patungo sa malagim na kamatayan.
Mga Kawikaan 7:24-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang aking mga sinasabi. Huwag kayong paaakit sa ganyang uri ng babae at huwag ninyong hayaan na kayoʼy kanyang iligaw. Marami na ang mga lalaking napahamak dahil sa kanya. Kapag pumunta kayo sa bahay niya, para na rin kayong pumunta sa daigdig ng mga patay.
Mga Kawikaan 7:24-27 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig. Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas. Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo. Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.
Mga Kawikaan 7:24-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga ba, aking anak, sa akin ay makinig, at dinggin mo ang salitang mula sa aking bibig. Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit, ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis, sapagkat marami na ang kanyang naipahamak, at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak. Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian, tiyak na patungo sa malagim na kamatayan.
Mga Kawikaan 7:24-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, At makinig kayo ng mga salita ng aking bibig. Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, Huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas. Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo. Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.