Mga Kawikaan 6:6-8
Mga Kawikaan 6:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tingnan mo ang mga langgam, ikaw na taong ubod ng tamad, pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat. Kahit sila'y walang pinunong sa kanila'y nag-uutos, walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod, ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.
Mga Kawikaan 6:6-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila. Kahit na walang namumuno at nag-uutos sa kanila, nag-iipon sila ng pagkain kapag tag-araw at panahon ng anihan, upang may makain sila pagdating ng tag-ulan.
Mga Kawikaan 6:6-8 Ang Biblia (TLAB)
Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka: Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno, Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
Mga Kawikaan 6:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tingnan mo ang mga langgam, ikaw na taong ubod ng tamad, pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat. Kahit sila'y walang pinunong sa kanila'y nag-uutos, walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod, ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.
Mga Kawikaan 6:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka: Na bagaman walang pangulo, Tagapamahala, o pinuno, Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.