Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 6:20-35

Mga Kawikaan 6:20-35 Ang Biblia (TLAB)

Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina: Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg. Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo. Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay: Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala. Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata. Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay. Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot? O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso? Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan. Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom: Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay. Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa. Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi. Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti. Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.

Mga Kawikaan 6:20-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina: Ikintal mong lagi sa iyong puso, Itali mo sa iyong leeg. Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo. Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; At ang mga saway na turo ay daan ng buhay: Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala. Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; At huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata. Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: At hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay. Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, At hindi masusunog ang kaniyang mga suot? O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, At ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso? Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; Sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan. Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, Upang busugin siya pagka siya'y gutom: Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; Kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay. Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: Ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa. Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; At ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi. Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; At hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti. Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; Ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.