Mga Kawikaan 4:20-23
Mga Kawikaan 4:20-23 Ang Biblia (TLAB)
Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay
Mga Kawikaan 4:20-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim. Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan. Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.
Mga Kawikaan 4:20-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo. Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo. Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at mahabang buhay sa sinumang makakasumpong nito. Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.
Mga Kawikaan 4:20-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim. Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan. Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.
Mga Kawikaan 4:20-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, At kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; Sapagka't dinadaluyan ng buhay