Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 4:1-27

Mga Kawikaan 4:1-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa. Mabuti ang itinuturo kong ito, kaya huwag ninyong ipagwalang bahala. Noong bata pa ako at nasa piling pa ng aking mga magulang, mahal na mahal ako ng aking ina bilang nag-iisang anak. Tinuruan ako ni ama. Sinabi niya sa akin, “Anak, ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo ko. Sundin mo ang mga utos ko at mabubuhay ka nang matagal. Pagsikapan mong magkaroon ng karunungan at pang-unawa. Huwag mong kalilimutan ang mga sinasabi ko at huwag kang hihiwalay dito. Huwag mong tanggihan ang karunungan, sa halip pahalagahan mo ito, dahil iingatan ka nito. Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo. Tanggapin moʼt pahalagahan ang karunungan, dahil magbibigay ito sa iyo ng karangalan. Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.” Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay. Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran. Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan. Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito. Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama. Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal. Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak. Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo. Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo. Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at mahabang buhay sa sinumang makakasumpong nito. Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo. Huwag kang magsalita ng kasinungalingan at walang kabuluhan. Ituon mo ang iyong paningin sa mga bagay na mabuti. Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga gagawin upang magtagumpay ka. Mamuhay ka sa katuwiran at layuan mo ang kasamaan.

Mga Kawikaan 4:1-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya. Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi, kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi. Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama, batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina, itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay. Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran, ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan. Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan, huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan. Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal. Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas, bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap. Siya'y korona sa ulo, sakdal ganda, anong inam, at putong ng kaluwalhatian sa iyong katauhan.” Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin, lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin. Ika'y pinatnubayan ko sa daan ng karunungan, itinuro ko sa iyo ang daan ng katuwiran. Hindi ka matatalisod sa lahat ng iyong hakbang, magmabilis man ng lakad ay hindi ka mabubuwal. Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay. Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan. Sila'y hindi makatulog kapag di nakagawa ng masama, at hindi matahimik kapag nasa'y di nagawa. Ang kanilang kinakain ay buhat sa kasamaan, ang kanilang iniinom ay bunga ng karahasan. Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal. Ang daan ng masama'y pusikit na kadiliman, ni hindi niya makita kung saan siya nabubuwal. Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim. Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan. Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay. Ilayo mo sa iyong bibig ang salitang mahahalay, ilayo ang mga labi sa kasinungalingan. Palaging sa hinaharap ang pukol ng iyong tanaw, ituon ang iyong pansin sa iyong patutunguhan. Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay. Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan.

Mga Kawikaan 4:1-27 Ang Biblia (TLAB)

Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka: Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya. Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya. Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo. Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay. Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka. Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal. Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan. Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay, Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo. Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad. Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.

Mga Kawikaan 4:1-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya. Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi, kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi. Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama, batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina, itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay. Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran, ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan. Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan, huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan. Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal. Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas, bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap. Siya'y korona sa ulo, sakdal ganda, anong inam, at putong ng kaluwalhatian sa iyong katauhan.” Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin, lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin. Ika'y pinatnubayan ko sa daan ng karunungan, itinuro ko sa iyo ang daan ng katuwiran. Hindi ka matatalisod sa lahat ng iyong hakbang, magmabilis man ng lakad ay hindi ka mabubuwal. Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay. Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan. Sila'y hindi makatulog kapag di nakagawa ng masama, at hindi matahimik kapag nasa'y di nagawa. Ang kanilang kinakain ay buhat sa kasamaan, ang kanilang iniinom ay bunga ng karahasan. Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal. Ang daan ng masama'y pusikit na kadiliman, ni hindi niya makita kung saan siya nabubuwal. Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim. Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan. Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay. Ilayo mo sa iyong bibig ang salitang mahahalay, ilayo ang mga labi sa kasinungalingan. Palaging sa hinaharap ang pukol ng iyong tanaw, ituon ang iyong pansin sa iyong patutunguhan. Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay. Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan.

Mga Kawikaan 4:1-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, At makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; Huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. Sapagka't ako'y anak sa aking ama, Malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; Ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka: Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; Ibigin mo siya at iingatan ka niya. Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya. Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: Isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo. Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; At ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; Aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; At kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay. Huwag kang pumasok sa landas ng masama, At huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. Ilagan mo, huwag mong daanan; Likuan mo, at magpatuloy ka. Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; At ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal. Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, At nagsisiinom ng alak ng karahasan. Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, Na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, At kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; Sapagka't dinadaluyan ng buhay, Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo. Tuminging matuwid ang iyong mga mata, At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, At mangatatag ang lahat ng iyong lakad. Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.